Dagupan City – Magkakaroon ng libreng serbisyong pangkalusugan para sa mga alagang baka, kalabaw, kambing, at tupa sa Barangay Aserda, Mapandan, Pangasinan sa darating na Miyerkules, Oktubre dalawampu’t walo.
Isasagawa ang programa simula alas-otso ng umaga sa pangunguna ng Pangasinan Provincial Veterinary Office, katuwang ang Municipal Agriculture Office ng Mapandan at lokal na pamahalaan.
Kabilang sa mga libreng serbisyo ang pagbibigay ng bitamina, pagpapurga o deworming, at pagbabakuna laban sa Hemorrhagic Septicemia.
Layunin ng programa na mapangalagaan ang kalusugan ng mga alagang hayop at makatulong sa mga livestock raisers na umaasa sa paghahayupan bilang kanilang kabuhayan.
Inaanyayahan ang mga may-ari ng baka, kalabaw, kambing, at tupa sa Barangay Aserda na dalhin ang kanilang mga alagang hayop at samantalahin ang libreng serbisyong pangkalusugan.










