Inakusahan ni Vice President Sara Duterte ang administrasyong Marcos sa paggamit ng mga alegasyon laban sa kanya hinggil sa isyu ng China-funded business ventures at drug bust sa Laos, maging ang umano’y travel authority nito sa Laos, para patalsikin siya sa puwesto.

Sa inilabas na opisyal na pahayag ng Office of the Vice President nitong Martes, Oktubre 20, ibinuhos ng bise presidente ang sentimyento nito na idinadawit siya ng pamahalaan sa mga panibagong isyu para palabasin ito bilang banta sa usapin ng pambansang seguridad dahil bigong mapatunayan ng prosecution team ng Kamara ang mga paratang laban sa kanya.

“Now, we are witnessing an apparent shift in the government’s narrative in taking me down, attempting to reframe the matter as a national security issue. Every thread seems to be stretched into a conspiracy—from a business venture allegedly linked to Chinese funding to a drug bust in Laos supposedly connected to a Mindanao-Davao conspiracy,” sulat ni Duterte sa kaniyang pahayag.

--Ads--

Kinwestiyon naman ng bise presidente ang mga ebidensiya sa likod ng mga nasabing akusasyon at idiniing wala rin naman itong mapapatunayan.

Samantala, “fabricated” naman o gawa-gawa lamang ayon kay Duterte ang umano’y travel authority nito sa Laos kasunod ng pagkalat ng umano’y dokumento na bumyahe sa Laos ang bise at tinawag na desperado ang mga itong isangkot siya sa Laos drug bust.

“What we see instead is desperation, exemplified by a purported travel authority for Laos that appears to have been fabricated to prop up a narrative unsupported by credible evidence,” saad ni Duterte

Dagdag pa nito, pinabulaanan din aniya ng Malacañang na pawang walang katotohanan ang umano’y nasabing Laos travel authority ng opisina ng bise.

Nito lamang, nilinaw rin ng Department of the Interior and Local Government na walang koneksyon ang pamilya Duterte sa nasabing drug bust sa Laos.

“Government should start working and stop politicking. The people are impoverished, hungry, and angry,” ani pa ni Duterte.