Dagupan City – Iginiit ni dating Alliance for Concerned Teachers (ACT) Patylist Representative France Castro na dapat panagutin sa maling paggamit sa pondo ng bayan si Vice President Sara Duterte sa kabila ng pagbawi sa mga artikulo ng impeachment laban sa kaniya.

Sa pahayag ni Castro, sinabi niyang ‘mispent’ umano ang P73 milyong mula sa confidential funds ng bise at dapat itong ibalik sa publiko.

Kaugnay nito, ipinahayag din ni Castro ang pagkadismaya sa pagbawi sa mga artikulo ng impeachment laban sa bise partikular ang Article 1 na aniya ay pinakamalakas sa mga reklamong inihain ng prosekusyon dahil malinaw umanong ipinapakita mula sa mga testigo at dokumento ang maling paggamit sa confidential funds.

--Ads--

Samantala, umaasa naman si Castro na hindi magtapos sa pagbawi ng mga artikulo ang paglilitis at nananatiling tinitignan ang positibong desisyon mula sa prosekusyon hinggil sa kaso ng bise presidente.