Naglabas ng babala sa trapiko ang mga lokal na awtoridad para sa lahat ng motorista at mga residente ng Tarlac hinggil sa nakatakdang pansamantalang pagsasara ng Agana Bailey Bridge simula ngayong linggo.

Ayon sa advisories, isasara ang nasabing tulay sa mga sumusunod na petsa at oras gaya sa Oktubre 14 hanggang 15, 2026 (10:00 PM – 3:00 AM) at Oktubre 15 hanggang 16, 2026 (10:00 PM – 3:00 AM)

Isasagawa ang panandaliang pagsasara upang bigyang-daan ang rectification at pagsasaayos sa steel deck ng tulay para sa kaligtasan ng mga dumadaan dito.

--Ads--

Pinapayuhan ang mga biyahero at mga pampublikong sasakyan na magplano nang maaga, isaalang-alang ang posibleng pagkabagal ng biyahe, at gumamit ng mga alternatibong ruta sa mga nabanggit na oras.

Nagpapasalamat naman ang pamahalaan sa pang-unawa at kooperasyon ng publiko habang isinasagawa ang maintenance work sa nasabing tulay.‎
‎
‎