Tinalakay sa The Medical City Media Meet 2026 ang mga hakbang para mapalawak ang serbisyong pangkalusugan sa Central at North Luzon, kabilang ang pagpapanatiling abot-kaya ng pagpapagamot at pagpapahusay ng mga pasilidad para sa mga pasyente.
‎

Ayon kay Dr. Stuart Bennett, Group CEO ng The Medical City, layunin ng grupo na mapanatiling abot-kaya at episyente ang serbisyong medikal sa halip na taunang magtaas ng presyo. Binigyang-diin din niya ang paggamit ng pondo ng PhilHealth para sa kritikal na pangangalaga upang makatulong na mabawasan ang gastusin ng mga pasyente at kanilang pamilya.

Sinabi naman ni Earline Borlongan, Hospital Director ng The Medical City Clark, na patuloy na pinauunlad ng ospital ang mga serbisyong nakatuon sa neuroscience, cardiovascular care, cancer treatment, pangangalaga sa bato, Critical care at preventive care. Layunin din ng pasilidad na mapagsilbihan ang mga komunidad sa Central Luzon, kabilang ang mga pasyenteng nagmumula sa ibang lugar.

--Ads--

Samantala, inihayag ni Dr. Juan Antonio Maximiano R. Escano, CEO ng The Medical City Pangasinan, na inaasahang matatapos sa loob ng susunod na anim na buwan ang bagong emergency room dito sa Dagupan City at pinalawak na intensive care unit ng ospital. Inaasahang makatutulong ang mga pasilidad sa pagtugon sa pangangailangan ng mas maraming pasyenteng nangangailangan ng agarang lunas at kritikal na pangangalaga sa North Luzon.