Kabombo! Talaga namang welcome back to Earth para sa pagbabalik ng manlalakbay ng kalawakan sa daigdig.

Matapos ang mahabang walong buwang pamamalagi sa kalawakan, matagumpay na nakabalik sa lupain ng daigdig ang apat na astronauts mula sa International Space Station nitong Huwebes, October 8.

Kung saan dinala ng SpaceX sina National Aeronautics and Space Administration (NASA) flyers Jessica Meir at Jack Hathaway, Sophie Adenot ng France at Andrey Fedyaev ng Russia sa pamamagitan ng splashdown sa Pacific malapit sa Baybayin ng Los Angeles.

--Ads--

Ayon sa apat na astronaut, hindi na umano sila makapaghintay na makita ang kanilang mga pamilya, maramdaman ang simoy ng hangin sa kanilang mukha, maligo sa shower at muling makabalik sa kanilang personal na gawain.

Samantala, may pitong astronauts pang nanatili sa kailang istasyon sa kalawakan habang nagpa-plano naman ang SpaceX para sa isang supply run sa istasyon sa mga susunod na linggo.