Kabombo! Gaano kaya kataas ang kaya mong tahakin mula sa tuktok ng bundok nang walang halong pagkalula?
Imbis malula, ay lalo pang lumakas ang loob at na-inspire ang mountain biker na si Mario Neurauter, mula sa Austria, upang babain ang halos apat na metrong taas gamit sakay ng mountain bike.
Bitbit ang pangarap para maging isang professional mountain bike athlete, lakas loob na pinatalon ni Mario ang biseklta upang masungkit ang titulo bilang “highest vertical drop on a bicycle on to a target.”
Ayon kay Mario, pitong taon na siya sa pagbibisekleta kasama ang pananaw na itulak ang sarili na abutin ang mas mataas, mas malayo at mas mabilis na antas sa kaniyang karera.
Bagamat hindi natakot, alam umano ni Mario na magiging mahirap ang pagtalon at hindi ito sigurado kung ilang subok ang kakailanganin ngunit maasaya siyang naging maayos ang kinalabasan.
Gayunpaman, ang nasabing tagumpay ang tinitignan ni Mario bilang isang mahalagang hakbang papalapit sa pangarap na bagong propesyunal na atleta.










