Masayang sinalubong ng celebrity couple na sina Rere Madrid at Kai Sotto ang yugto ng parenthood sa pagsilang ng kanilang malusog na baby boy nitong nakaraang Setyembre 29.
Sa isang Instagram story ni Rere, ipinasilip niya ang bagong silang nitong sanggol na noo’y buhat buhat ng first-time father na si Kai.
Kasama rin nito ay ang maiksing mensahe ng aktres: “A blessing I will love, nurture, and protect with everything I have.”
Matatandaang ikinasal sina Rere at Kai nitong Mayo 27 ng parehong taon ilang buwan bago ianunsyo ang pagbubuntis ng aktres sa pamamagitan ng Instagram Reels kung saan makikita ang iba’t ibang reaksyon ng kanilang mga mahal sa buhay patungkol sa kaniyang pagbubuntis.
Sinundan naman ito ng kanilang gender-reveal kasabay ng kaarawan ni Kai nitong Hulyo 10 kung saan inanunsyo ng mag-asawang hinihintay nila ang nakatakdang pagdating ng kanilang baby boy.










