Magsisimula na ang kampanya ni Alexandra “Alex” Eala sa Asian Games matapos siyang itapat sa Thailand’s Patcharin Cheapchandej sa Round of 16 ng women’s singles.
Bilang top seed, nabigyan ng first-round bye si Eala, habang tinalo ni Cheapchandej si Pakistan’s Mahin Aftab Qureshi, 6-1, 6-1, para umabante sa susunod na round.
Hindi na bago kay Eala si Cheapchandej. Nagharap na ang dalawa sa ITF W25 Chiang Rai noong 2022, kung saan nanalo ang Filipina, 6-3, 6-4. Kalaunan, nasungkit ni Eala ang titulo sa torneo.
Samantala, nagtapos na ang kampanya ni Tennielle Madis matapos siyang talunin ng Japan’s Himeno Sakatsume, 6-1, 6-0, sa unang round.










