Dagupan City – Patuloy na pinahahalagahan at pinalalakas ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa pamumuno ni Governor Ramon Mon-Mon Guico III ang kaalaman, kasanayan at kakayahan ng mga Barangay Health Workers.

Layunin ng mga programa ng pamahalaang panlalawigan na mas mapahusay ang kakayahan ng mga BHW bilang katuwang sa paghahatid ng mga serbisyong pangkalusugan sa mga barangay at komunidad.

Mahalaga ang papel ng mga Barangay Health Workers sa pagbibigay ng pangunahing serbisyong pangkalusugan at pagtulong sa mga residente na magkaroon ng access sa mga health program ng pamahalaan.

--Ads--

Sa patuloy na pagsasanay at pagpapalakas sa kanilang kakayahan, inaasahang mas magiging handa ang mga BHW sa pagtugon sa mga pangangailangang pangkalusugan ng mga mamamayan sa iba’t ibang komunidad sa Pangasinan.