Nakapasok sa top 3 ng Master Electrician Board Examination si Mark Jaden Prendol matapos niyang makapasa sa naturang pagsusulit. Kasalukuyang graduating student si Prendol at isa ring working student.


Pauwi umano siya mula sa trabaho nang malaman niyang nakapasa siya sa board examination. Hindi raw niya inaasahang kabilang siya sa mga nanguna sa pagsusulit at naging emosyonal ang kaniyang naging reaksiyon nang matanggap ang resulta.


Aminado si Prendol na naging hamon ang paghahanda para sa pagsusulit dahil pinagsabay niya ang kaniyang trabaho at pag-aaral. Sa kabila nito, ipinagpatuloy niya ang paghahanda hanggang sa makumpleto ang pagsusulit.

--Ads--


Kasunod ng kaniyang pagkakapuwesto sa top 3, layunin naman ni Prendol na makapasa sa pagsusulit para maging Registered Electrical Engineer. Plano rin niyang tumulong sa pagpapatakbo ng kumpanyang pag-aari ng kanilang pamilya.