Symbolic statement lamang ang pag-atas ng Korte Suprema sa Kongreso na magpasa ng batas laban sa political dynasties matapos ang 39 taong pagkaantala.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Michael Henry Yusingco, isang constitutional law expert, sinabi niyang walang kapangyarihan ang Korte Suprema na pilitin ang Kongreso dahil magkapantay o co-equal branch ang mga ito.
Giit ni Yusingco, mahirap umasa sa isang tunay na batas laban sa political dynasties dahil marami sa mismong mga mambabatas ay kabilang sa mga political dynasty.
Ayon pa sa kaniya, posible ring gamitin ang pahayag ng Korte Suprema upang isulong ang panukalang batas nina House Speaker Bojie Dy III at Rep. Sandro Marcos na tinawag niyang “pekeng batas” dahil maaari nitong i-legitimize ang mga dynasty.
Dahil dito, pinayuhan ng eksperto ang publiko na maging matyag at suriing mabuti ang mga panukalang batas na ihahain kaugnay nito.




