Dagupan City – Nagsagawa ng dialogue at pamamahagi ng informational flyers ang mga tauhan ng PNP Bugallon sa mga residente ng bayan sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni PMAJ Rodolfo S. Labayo Jr., OIC.

Layunin ng aktibidad na mapalakas ang ugnayan ng kapulisan at komunidad, gayundin ang kamalayan ng publiko sa crime prevention at mga hakbang para sa kaligtasan.

Tinalakay rin sa pakikipagdayalogo ang kahalagahan ng pakikilahok ng mga residente sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa kanilang komunidad.

--Ads--

Hinimok ng PNP Bugallon ang publiko na patuloy na makipagtulungan sa kapulisan at maging mapagmatyag upang makatulong sa pag-iwas sa krimen at pagpapanatili ng ligtas at maayos na pamayanan.