Naka-usap ni Pangulong Ferdinad Marcos Jr ang isang railway company sa India para pag-aralan ang pagtatayo ng tatlong railway systems sa Pilipinas.

Kinabibilangan ito sa mga proyekto sa Mindanao at Cebu ganun din ang extension ng Philippine National Railways (PNR) mula sa Tutuban sa Maynila.

Isinagawa ang pagpupulong ng pangulo sa mga negosyante sa pagdalo nito sa 8th BRICS Summit sa India.

--Ads--

Bagamat dumalo sa nasabing pagtitipon sina Chinese President Xi Jinping at Russian President Vladimir Putin ay walang magaganap na pagpupulong sa kanila si Pangulong Marcos Jr.