Pumalo na sa 76 ang nasawi sa pagkakasunog ng ferry boat sa Coron, Palawan.

Nitong gabi ng Sabado ay nakarekober ang Philippine Coast Guard (PCG) ng dagdag na 41 na mga bangkay.

Sinabi ni PCG spokeswoman Commodore Noemie Cayabyab na ang mga bangkay ay dinala na sa pantala ng Coron, Palawan.

--Ads--

Ang unang 30 na mga bangkay ay dinala na sa mga forensic experts para isailalim sa proseso at malaman ang kanilang pagkakakilanlan.

Dahil dito ay mayroon ng kumpirmadong 76 ang bilang ng nasawi kabilang ang unang limang biktima na nasawi matapos ang insidente.

Tuloy-tuloy din ang ginagawang search and rescue operations para makita pa ang ilang pasahero ng nasabing barko na nasunog nitong Setyembre 9.