Nagpatupad ang Pilipinas ng indefinite ban o walang takdang panahon na pagbabawal sa pagluwas ng sariwang ube upang mapangalagaan ang suplay ng planting materials sa bansa, kasabay ng patuloy na pagtaas ng pandaigdigang demand para sa produktong ito.

Ayon kay Agriculture Secretary Tiu Laurel, kinakailangang unahin ng bansa ang sariling pangangailangan sa planting materials dahil kapos na umano ang suplay nito sa Pilipinas.

Aniya, may pangamba rin na magamit ng ibang bansa ang mga planting materials mula sa Pilipinas upang makagawa ng sariling ube at kalaunan ay maging kakumpitensya ng bansa sa pandaigdigang merkado.

--Ads--

Layunin ng hakbang na matiyak ang sapat na planting materials para sa mga lokal na magsasaka at mapanatili ang kakayahan ng Pilipinas na makipagkumpitensya sa lumalaking pandaigdigang merkado ng ube.