Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na nasa labas na ng bansa ang magkapatid na sina Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano at Senator Pia Cayetano.

Ayon sa ahensiya, walang hold departure order o anumang derogatory record laban sa dalawang senador noong araw ng kanilang pag-alis na legal na makapipigil sa kanilang pagbiyahe palabas ng Pilipinas.

Matatandaang inatasan noon ng Office of the Ombudsman sina Sen. Alan Peter Cayetano at Sen. Robin Padilla na sumagot sa mga reklamong obstruction of justice kaugnay ng alegasyon na tumulong sila sa pagtatago ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa, na tinukoy ng mga awtoridad bilang fugitive-at-large.

--Ads--

Gayunman, hindi ibinahagi ng ahensya ang iba pang detalye kaugnay sa kanilang biyahe, kabilang ang itinerary, bilang pagsunod sa Data Privacy Act of 2012.

Samantala, iginiit naman nina Senate President Sherwin Gatchalian at Senate President Pro Tempore “Tito” Sotto, na kung personal na trips ay hindi na umano kailangang humingi pa ng permiso. 

Hindi naman kinumpirma ng ahensiya ang eksaktong destinasyon ng magkapatid.