5 nasawi matapos ang mag-overshoot sa runway ang isang cargo plane sa Miami

4

Hindi bababa sa limang katao ang nasawi matapos ang pagragasa ng cargo plane sa runway sa Miami International Airport sa Estados Unidos.

Ayon kay Miami-Dade Fire Rescue Chief Raied “Ray” Jadallah na lumagpas sa runway ang eroplano habang ito ay papalapag.

Tumama ang eroplano sailang mga sasakyan na nakaparada at nagresulta sa pagkasunog ng bahagi ng eroplano.

--Ads--

Dahil sa pangyayari ay mayroon limang katao rin ang nasugatan kung saan tatlo sa mga ito ay nasa kritikal na kondisyon.

Ilang mga biktima ang hindi agad na nakalabas mula sa kanilang sasakyan matapos na tamaan ito ng eroplano kaya nagtulong-tulong ang mga rescue groups para mapalabas ang mga ito.

Ang Boeing 767-300 cargo plane ay mula sa San Juan , Puerto Rico ng ito ay mag-overran sa runway matapos na maglanding sa Miami dakong alas-2 ng hapon.

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang Federal Aviation Administration ukol sa nangyaring insidente. | via Bombo Jovino Galang