Nag-iwan ng 10 katao ang nasawi sa pagsabog ng mga fireworks sa isang religious festival sa Mexico.

Nasugatan din sa insidente ang nasa 64 na mga katao matapos ang pagsabog sa mga nakatagong paputok malapit sa Santa María Canchesdá.

Nagsagawa kasi ng pagdiriwang ang simbahang sa kapisyestahan ng Our Lady of Light.

--Ads--

Dahi sa lakas ng pagsabog ay nawasak ang bahagi ng simbahan kung saan ilang mga katao ang naipit pa sa loob ng istraktura.

Kabilang sa mga nasugatan ang dalawang pari at mga bata.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga otoridad ukol sa nangyaring insidente. | via Bombo Jovino Galang