Isang malalim na kampanya sa US Open ang maaaring magtulak kay Pinay tennis star Alex Eala papalapit sa Top 10 ng WTA rankings matapos ang sunod-sunod na malalaking panalo at kahanga-hangang kampanya sa North America.

Kung makararating si Eala sa semifinals, maaari siyang umangat sa Top 15 at mapalapit sa pintuan ng Top 10. Samantala, ang pagkapanalo ng titulo ay maaari namang magtulak sa kanya sa hanay ng mga nangungunang manlalaro sa mundo.

Malaking puntos sa WTA rankings ang nakataya sa US Open. Makakakuha ang kampeon ng 2,000 puntos, habang 1,300 puntos naman ang mapupunta sa runner-up.

--Ads--

May 780 puntos para sa semifinalists, 430 para sa quarterfinalists, at 240 para sa mga aabot sa round of 16.

Mula nang dumating sa North America noong Hulyo, ilang malalakas na manlalaro na ang nakaharap ni Eala at nakakuha siya ng mahahalagang panalo na naglapit sa kanya sa mga nangungunang pangalan sa women’s tennis.

Bukod sa singles event, sasabak din si Eala sa mixed doubles tournament kung saan makakapareha niya ang world No. 4 na si Felix Auger-Aliassime.