‎Pinalalawak ng The Medical City (TMC) Pangasinan ang serbisyong pangkalusugan nito sa North Luzon bilang bahagi ng pagsisikap na mapalakas ang koneksiyon ng mga pasilidad at mapalawak ang access ng publiko sa mga serbisyong medikal. Kabilang sa mga tinututukan ang pagbuo ng mas organisadong network ng mga klinika at ospital upang mas maayos na matugunan ang pangangailangan ng mga pasyente sa rehiyon.
‎
‎Ayon ka Dr. Juan Antonio Maximiano R. Escano President/ CEO – The Medical City Pangasinan, Bahagi ng pagpapalawak ang pag-uugnay ng mga pasilidad at serbisyong medikal sa ilalim ng iisang sistema. Sa ganitong pamamaraan, layong magkaroon ng mas maayos na koordinasyon sa pangangalaga sa mga pasyente at mas episyenteng paggamit ng mga pasilidad, kagamitan at iba pang serbisyong pangkalusugan.
‎
‎Kabilang sa mga pasilidad na may kaugnayan sa pagpapalawak ng diagnostic services ang CAT laboratory, na mayroon na sa TMC Clark. Sa Pangasinan, isa pa lamang ang naturang pasilidad, kaya kabilang sa mga konsiderasyon ang pagpapalawak ng kakayahan ng rehiyon sa pagsusuri at iba pang serbisyong medikal, kasabay ng pag-unlad ng network ng TMC sa North Luzon.
‎
‎Sa kabila ng potensiyal ng rehiyon, nananatiling mahalagang hamon ang pagpapalawak ng mga serbisyong medikal upang makaagapay sa pangangailangan ng lumalawak na populasyon. Dagdag ni Escano, Sa pamamagitan ng planadong pag-unlad ng mga pasilidad at mas matibay na ugnayan ng mga serbisyong pangkalusugan, layon ng TMC Pangasinan na makatulong sa pagpapabuti ng access sa pangangalagang medikal sa rehiyon.