Niyanig ng magnitude 5.3 na lindol ang karagatang malapit sa Balut Island, Sarangani, Davao Occidental nitong madaling araw ng Biyernes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Una nang iniulat ng PHIVOLCS na magnitude 5.9 ang lindol na naganap alas-2:39 ng madaling araw, na may lalim na 10 kilometro.

Tectonic ang pinagmulan ng lindol na may lalim na 48 kilometro.

--Ads--

Ayon sa PHIVOLCS, isa itong aftershock ng magnitude 7.8 na Offshore Sarangani at magnitude 6.5 na Offshore Davao Occidental earthquakes na tumama noong Hunyo 2026.

‘Wala namang inaasahang aftershocks at pinsala mula sa naturang lindol.