Hindi sumipot si Batangas rep. Leandro Leviste sa ipinatawag na pagharap sa National Bureau of Investigation (NBI) para sa mga kinakaharap nitong usapin.

Ipinatawag ng NBI si Leviste upang magpaliwanag at magbigay-linaw kaugnay sa umano’y planong pagdiin at paninira kay Executive Secretary Ralph Recto sa paraan ng honey trap scheme.

Sa halip na dumalo, ang kanyang mga abogado lamang ang pinadala upang kumatawan sa kanya.

--Ads--

Nang tanungin ng media ang kanyang mga legal counsel kung kasalukuyan na itong nasa loob ng bansa, “no comment” lamang ang naging sagot ng mga ito.

Wala pang ibinibigay na karagdagang detalye ang NBI o ang kampo ni Leviste ukol sa susunod na hakbang hinggil sa kanyang hindi pagdalo.