Patuloy na humina ang bagyong “Maymay” habang kumikilos ito pa-silangan timog-silangan sa bahagi ng Cordilleras.

Ayon sa state weather bureau, ang sentro ng bagyo ay tinatayang nasa paligid ng Gamu, Isabela.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 km/h malapit sa sentro at bugso na umaabot sa 75 km/h, habang kumikilos sa bilis na 20 km/h.

--Ads--

Nananatiling nakataas ang Signal No. 1 sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, hilagang-kanlurang bahagi ng Pangasinan (Bolinao, Anda, Bani), Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, mainland Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, at hilagang at gitnang bahagi ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao).

Pinapayuhan ang mga residente sa mga apektadong lugar na mag-ingat sa posibleng pagbaha, landslide, at malalakas na hangin.