Hiniling ng defense counsel na si Atty. Michael Poa sa Senate Impeachment Court ang pagkakataong makapagpaliwanag hinggil sa umano’y pakikipagpulong ng mga opisyal ng Department of Education sa Commission on Audit.
Giit ni Poa, nais niyang mabigyan ng dalawang minutong oras upang ipaliwanag ang naturang pulong. Gayunpaman, hindi ito pinagbigyan ni Trial Presiding Officer Sen. Chiz Escudero.
Ayon kay Sen. Escudero, maaari namang gawin ni Poa ang kanyang paliwanag sa mga susunod na pagkakataon habang nagpapatuloy ang pagtalakay ng korte sa isyu ng confidential funds.
--Ads--
Unang nabunyag ang usapin noong Agosto 4 sa pamamagitan ng direct examination ni Atty. Lorna Kapunan kay dating COA Auditor Roderick Wamil.










