Tetestigo si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan sa malversation case laban kay dating Senador Ramon “Bong” Revilla sa Sandiganbayan Third Division sa Agosto 12.
Ito ay sa kabila pa nang naunang pagtanggi ng korte na alisin si Bonoan bilang isa sa mga akusado sa kasong graft laban kay Senador Jinggoy Estrada para gawing state witness sa mga kasong may kaugnayan sa flood control projects.
Ayon sa korte, nabasahan na ng sakdal si Estrada kaya hindi na pinapayagan ang malaking pagbabagi sa charge sheet.
Maaari aniyang makaapekto sa depensa ni Estrada ang pag-alis kay Bonoan, na magpapalit sa takbo ng kaso mula sa conspiracy o sabwatan patungo sa individual liability o pansariling pananagutan.
Matatandaang kamakailan ay pansamantalang pinalaya si Revilla matapos magpiyansa ng P1 million para sa kasong malversation.










