Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagbubukas ng kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) na nakapagsampa na ng mga kaso at nakapagpakulong ang pamahalaan sa ilang kontratista, matataas na opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH), at mga mambabatas na sangkot umano sa anomalya sa mga proyektong flood control.
Ayon sa Pangulo, nagpapatuloy ang imbestigasyon at inaasahang magsasampa rin ang Office of the Ombudsman ng maramihang kaso laban sa dating Speaker ng Kamara at kinatawan ng Leyte na si Ferdinand Martin Romualdez.
Idinagdag pa niya na umabot na sa puntong inihayag ng Ombudsman na nalalapit na ang paghahain ng patong-patong na kaso laban sa dating Speaker.
Binigyang-diin ni Marcos na hindi dapat manaig ang ugnayang pampamilya sa pagpapatupad ng batas.
Ang pahayag ng Pangulo ay bahagi ng kanyang paninindigan na pananagutin ang sinumang mapatutunayang sangkot sa katiwalian, kabilang ang mga nasa matataas na posisyon sa pamahalaan.










