Sugatan sa ulo ang isang kasapi ng Philippine Navy matapos na ito ay paluin ng baton ng isang China Coast Guard (CCG) personnel.
Naganap ang insidente sa isang komprontasyon sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea nitong araw ng Lunes, Hulyo 20.
Ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na lulan ng rigid-hull inflatable boat (RHIB) ang CCG na may sakay na walong personnel at nilapitan ang BRP Sierra Madre ang outpost ng Philippine military sa Ayungin Shoal at doon kumuha ng mga larawan at video ang CCG.
Dahil dito ay nilapitan ng AFP lulan ng rubber boats para itaboy ang mga ito subalit naging agresibo ang mga Chinese Coast Guard at bigla na lamang pinalo isang miyembro ng Philippine Navy na nagresulta sa pagkakasugat sa ulo.
Dahil rin sa insidente ay nagtamo rin ng damyos ang rubber boats ng Navy.
Agad naman na nagbigay ng lunas ang Western Command (WESCOM) sa nasugatang personnel.
Natitiyak ng AFP na ginawa lamang nila ang nararapat kung saan sinunod ang Rules of Engagement.
Patuloy din ang panawagan ng AFP sa People’s Liberation Army (PLA), CCG at Chinese maritime militia na tigilan na ang kanilang iligal at agresibong hakbang sa West Philippine Sea at marapat na sundin ang nakasaad sa 2016 Arbitral Award na nagpapatunay ang maritime rights ng Pilipinas sa ilalim ng international law.










