Nagluluksa ang pageant community, lalung-lalo na ang mga tagasubaybay ng Miss Grand International, sa pagpanaw ni Miss Grand Orlando 2025 Skarlent Rodriguez.

Kabilang si Skarlent at ang boyfriend nitong si Jose Castro sa mga nasawi sa magkasunod na mapinsalang lindol, 7.2 at 7.5 magnitude, na yumanig sa Venezuela noong June 24, 2026.

Limang araw pa ang lumipas nang matagpuan ang mga bangkay ni Skarlent at boyfriend nito mula sa gumuhong apartment nila sa Catia La Mar, La Guaira, Venezuela, noong June 29.

--Ads--

Ayon sa Prensa Punto Fijo, isang media company sa Venezuela, natabunan ang magkasintahan sa gumuhong gusali nang manalasa ang malakas na lindol.

Si Skarlent ay isang Venezuelan model na nakabase sa Orlando, Florida, USA, kung saan siya hinirang na Miss Grand Orlando noong nakaraang taon.

Pero hindi siya pinalad manalo bilang Miss Grand Florida.