Nagsagawa ng checkpoint operations ang mga tauhan ng Mangaldan Municipal Police Station sa iba’t ibang strategic areas sa bayan bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa kriminalidad at pagpapatupad ng mga hakbang para sa kaligtasan ng publiko.

Isinagawa ang aktibidad sa ilalim ng pamumuno ni PLTCOL Perlito R. Tuayon.

Layunin ng operasyon na mapigilan ang paggalaw ng mga kriminal, maipatupad ang traffic at security regulations, at matiyak ang seguridad ng mga motorista at commuter na dumaraan sa mga pangunahing lansangan sa bayan.

--Ads--

Sa isinagawang checkpoint, nagsagawa ng inspeksyon ang mga pulis sa mga sasakyan at pinaalalahanan ang mga motorista na laging dalhin ang kanilang kaukulang dokumento at sumunod sa mga road safety protocols.

Ayon sa Mangaldan MPS, patuloy nilang paiigtingin ang police visibility at law enforcement operations upang mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at seguridad sa buong bayan ng Mangaldan.