Napatay ng pinagsamang puwersa ng US at Nigeria ang senior Islamic State leader.

Si Abu-Bilal al-Minuki ay itinuturing ni US President Donald Trump bilang pangalawang pinakamataas na ISS sa buong mundo.

Nangyari ang pag-atake sa compound ng Lake Chad Basin isang malawak na rehiyon na napapaligiran ng mga katubigan na pinaghahatian ng Nigeria, Chad , Niger at Cameroon.

--Ads--

Siya rin umano ang pinaka-aktibong terorista sa buong mundo.

Nagbago kasi ng target ang IS kung saan prioridad nila ang sub-Saharan Africa kung saan ang sangay nila sa Nigeria ang pinaka-aktibo.

Kinumpirma ni Nigerian President Bola Tinubu ang pinagsamahang operasyon nila ng US.

Si Al‑Minuki ay idineklara ng US noong 2023 bilang Specially Designated Global Terrorist.