DAGUPAN CITY- Inanunsyo ng lokal na pamahalaan ng Aguilar ang pagbubukas ng aplikasyon para sa Aguilar Scholarship and Educational Assistance Program para sa mga incoming at kasalukuyang college students sa bayan.

Layunin ng programa na matulungan ang mga estudyante sa kanilang pag-aaral sa pamamagitan ng scholarship at educational assistance upang masuportahan ang kanilang pangangailangan sa kolehiyo.

Maaaring kumuha ng application forms ang mga interesadong aplikante sa Office of the Municipal Mayor mula Lunes hanggang Huwebes, alas-7:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi.

--Ads--

Itinakda naman sa Mayo 25, 2026 ang huling araw ng pagsusumite ng application forms at mga kinakailangang requirements.

Magkakaroon din ng orientation sa Mayo 26, 2026 alas-8:00 ng umaga sa Doña Emma S. Ballesteros Building Social Hall upang mabigyan ng karagdagang impormasyon at gabay ang mga aplikante hinggil sa scholarship program.

Samantala, isasagawa ang examination para sa mga aplikante sa Hunyo 6, 2026 simula alas-8:00 ng umaga sa Aguilar Integrated School.

Hinikayat ng lokal na pamahalaan ang mga kwalipikadong estudyante na samantalahin ang oportunidad na ito upang makatulong sa kanilang pag-aaral at paghahanda para sa kanilang kinabukasan.