Dagupan City – Pinaiigting ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 1 ang kampanya laban sa ilegal na pangingisda sa pamamagitan ng mas mahigpit na pagbabantay sa karagatan at mga pamilihan.

Isinagawa ng ahensya ang seaborne patrol operations sa ilalim ng Enforcement Regional Monitoring, Control and Surveillance Operating Center kung saan iniinspeksyon ang mga commercial fishing vessel at malalaking bangka upang tiyakin ang legal na operasyon.

Kasabay nito, aktibo rin ang land-based operations tulad ng market denial at landing denial katuwang ang Philippine National Police Maritime Group at mga lokal na pamahalaan.

--Ads--

Layunin nitong mapigilan ang bentahan ng isdang mula sa ilegal na pangingisda kabilang ang dynamite fishing.

Sa mga isinagawang inspeksyon sa La Union, Pangasinan at Ilocos, walang naitalang paglabag.

Patuloy naman ang kampanya alinsunod sa Republic Act 8550 na inamyendahan ng Republic Act 10654 upang labanan ang illegal, unreported, at unregulated fishing.