Umaabot sa P238 billion ang inilaan ng Department of Budget and Management (DBM) upang tulungan ang bansa na tumugon sa krisis sa langis.

Ayon sa DBM, gagamitin ang halaga para sa fuel subsidies para sa transport sector, tulong sa mga magsasaka at mangingisda, suporta sa healthcare, at iba pang target na social protection programs.

Sinabi ni DBM na ang halaga ay manggagaling sa 2026 budget, continuing appropriations, at automatic appropriations.

--Ads--

Sinabi ng ahensiya na P2.5 billion sa nasabing pondo ay gagamitin para sa fuel subsidies para sa transport operators, habang karagdagang P1 billion ang para sa service contracting.

Gagamitin din ang pondo para sa repatriation programs ng Department of Migrant Workers at employment support programs ng Department of Labor and Employment.

Binanggit din ng DBM na ang pagbawas sa mga hindi mahalagang gastusin ay maaaring magresulta sa pagtitipid na mula P12.8 bilyon hanggang P25.6 bilyon mula Marso hanggang Disyembre, depende sa antas ng pagsunod ng mga ahensiya.