Niyanig ng magnitude 5.4 na lindol ang bahagi ng Cebu at Leyte nitong Abril 6, 2026, alas-3:22 ng hapon, ayon sa ulat ng PHIVOLCS.
Natukoy ang epicenter sa layong 17 kilometro timog-silangan ng City of Bogo, Cebu, may lalim na 10 kilometro.
Batay sa instrumental intensities, naramdaman ang lindol sa iba’t ibang lugar:
Intensity IV: San Francisco, Cebu; Hilongos at Villaba, Leyte
Intensity III: Liloan, Talisay, Cebu City, Lapu-Lapu City, Cebu; Isabel, Baybay, Carigara, Ormoc City, Abuyog, Leyte; Esperanza, Masbate; Hinundayan, Southern Leyte
Intensity II: Kawayan at Naval, Biliran; Roxas City, Capiz; Carcar, San Fernando, Argao, Asturias, Cebu; Iloilo City; Dulag, Alangalang, Palo, Leyte; La Carlota City, Negros Occidental; Silago at Sogod, Southern Leyte
Intensity I: Tapaz, Capiz; Borongan City, Eastern Samar; Jordan, Guimaras; Passi City, Iloilo; Aroroy at Cataingan, Masbate; Bacolod City, Negros Occidental; Gandara, Samar
Wala namang iniulat na pinsala o nasawi sa kasalukuyan, ngunit patuloy na pinapayuhan ng PHIVOLCS ang publiko na maging mapagmatyag at handa sa posibleng aftershocks.










