Sinibak sa puwesto ang tatlong tauhan ng Office for Transportation Security (OTS) matapos ang umano’y pagkakasangkot sa pagkawala ng P7,000 at NTD 1,000 ng isang Australian na pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Ayon kay OTS Administrator Undersecretary Gilbert Cruz, ang mga nasabing tauhan ay dalawang screeners at kanilang supervisor na pansamantalang hindi pinangalanan habang isinasailalim sa masusing imbestigasyon.

Una nang nagbabala si Cruz sa kanyang mga tauhan na ‘walang lugar ang anumang kalokohan sa ilalim ng kanyang administrasyon.

--Ads--

Sa ilalim ng utos ni Cruz, inisyu ni Nicolas Quemado, Jr. ang ‘order of relief’ na nag-alis sa kanila mula sa NAIA Terminal 3 at inilipat sa SSOS head office sa ilalim ng “exigency of the service.”

Ayon kay Cruz, ang tatlong personnel ay kasalukuyang iniimbestigahan pa at posibleng maharap sa mga kasong criminal at administratibo kung sapat ang ebidensiya laban sa kanila.