Masusing babantayan ng Bureau of Immigration (BI) ang mga paliparan at pantalan laban sa mga aktibidad ng human trafficking kasabay ng inaasahang pagbuhos ng mga pasahero sa Semana Santa.
Ayon kay BI Deputy spokesperson Melvin Mabulac, kapag ganitong panahon may mga pagtatangka ng human trafficking.
Ito ang dahilan kayat nilikha ang Immigration Protection and Border Enforcement Section (I-PROBES) ng BI para masusing makilatis ang mga Pilipinong bumibiyahe palabas ng bansa.
Gayundin, parte ang bureau ng Inter-agency Council Against Trafficking (IACAT) na naatasang imbestigahan ang mga kaso ng human trafficking na idinudulog sa kawanihan.
Samantala, kasabay ng inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa Holy Week, ipagbabawal ng bureau ang leave sa kanilang personnel sa naturang period.
Paalala naman ng BI sa mga paalis na pasahero na dumating nang maaga o tatlong oras bago ang departure para maiwasang mahuli sa biyahe o flights.










