Nasungkit ng isang lalaki mula Finland ang isang world record matapos nitong hilahin ang pinakamabigat na karwahe gamit ang tali na nakakabit sa piercing ng kaniyang nipples.
Ang kakaibang abilidad na ito ay ginawa ng isang professional circus performer na kilala bilang “The Baron”.
Live sa isang German Television ang kaniyang isinagawang paghila sa karwahe na may bigat na 990.65 kg at sakay nito ang ang kaniyang partner.
--Ads--
Nahigitan ni The Baron ang rekord ni Sage Werbock, aka “The Great Nippulini” na 988.50 kg lamang.
Hindi lamang ito ang rekord na binasag ni The Baron dahil noong 2013, gamit din ang kaniyang nipples, nagsagawa ito ng 32.60 weight lift sa loob ng 8 segundo.










