Dagupan City – Makulay na float parade, ibinida sa farmer’s festival bilang bahagi ng pandan festival sa Mapandan

Ipinagdiwang ng mga residente ang makulay na Float Parade ng Farmer’s Festival bilang bahagi ng Pandan Festival sa bayan ng Mapandan.

Nilahukan ng iba’t ibang grupo at organisasyon ang parada na nagpakita ng mga malikhaing float.

--Ads--

Bawat float ay nagtatampok ng iba’t ibang produktong agrikultural at simbolo ng kasipagan at tiyaga ng mga magsasaka.

Nakiisa rin sa selebrasyon ang mga pamilya at mamamayan na nagtipon upang saksihan ang makulay na parada bilang pagkilala sa mahalagang papel ng sektor ng agrikultura sa pag-unlad ng bayan.

Kasabay ng pagdiriwang ay idinaos din ang Kadiwa ng Pangulo, kung saan tampok ang iba’t ibang dekalidad na produktong agrikultural mula sa Rehiyon Uno na mabibili sa abot-kayang presyo, na layuning matulungan ang mga lokal na magsasaka at maliliit na negosyante na direktang maipagbili ang kanilang mga produkto sa publiko.