Inaasahang ilalagak ngayong araw, Marso 15, 2026, sa Barangay Poblacion, Basista, Pangasinan, ang labi ni Mary Ann De Vera, isang OFW-caregiver na nasawi sa pag-atake sa Tel Aviv, Israel.

Magsisimula ang burol matapos maisagawa ang proseso ng defrosting sa kanyang mga labi.

Naglagay naman ang pamilya De Vera ng karatula sa harap ng kanilang tahanan na nagbabawal sa pagkuha ng larawan at video sa loob at paligid ng kanilang bahay, bilang paggalang sa kanilang pribadong pagdadalamhati.

--Ads--