Lumakas pa ang bagyo sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) habang patuloy na nakakaapekto ang Northeast Monsoon o Amihan sa Luzon at Visayas.
Dahil dito, asahan ang malamig na panahon at mga pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa.
Samantala, ang trough ng tropical storm ay nakakaapekto rin sa silangang bahagi ng Mindanao na maaaring magdala ng mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog.
--Ads--
Ang tropical storm Nuri ay huling namataan sa layong 1,290 km silangan ng Eastern Visayas.
May lakas ng hangin itong 65 km/h malapit sa gitna at may pagbugsong hanggang 80 km/h.
Angbagyo ay mabagal na kumikilos pa-timog kanluran.
Kung papasok sa PAR ay bibigyan ito ng local name na Butchoy bilang ikalawang sama ng panahon sa taong 2026.










