Handa ang G7 nations na suportahan ang global supply ng enerhiya matapos nagdulot ng matinding pagtaas ng presyo ng krudo ang pag-atake ng US at Israel sa Iran.

Gayunpaman, nagwakas ang pagtitipon ng G7 finance ministers at ang International Energy Agency (IEA) na walang kasunduan sa paglalabas ng estatehiya hinggil sa crude reserves.

Nitong lunes lamang nang pumalo sa $120 ang bawat barrel ng krudo at nagdulot ng takot sa pangmatagalan epekto nito sa suplay at pagbagsak ng global stock markets.

--Ads--

Sa virtual meeting, isa sa mga tinalakay ang paglabas ng mga reserbang krudo.

Ginamit naman ni Chancellor Rachel Reeves ang naturang pagtitipon upang imungkahi ang agarang pagwakas sa ng kaguluhan sa Middle East at tiyakin ang seguridad para sa mga barko sa rehiyon.