Bukas ang Malacañang na pag-aralan ang mungkahing 4-day work week bilang bahagi ng mga hakbang sa pagtitipid, sa gitna ng inaasahang epekto sa bansa ng tumitinding tensyon sa pagitan ng Iran at Israel.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro na maaari itong pag-aralan ng pamahalaan lalo na kung lalala pa ang sitwasyon sa Middle East.
Gayunman, nilinaw ni Castro na sa ngayon ay wala pang pormal na talakayan tungkol sa naturang panukala.
Matatandaang ipinatupad na rin noon ang 4-day work week at work-from-home arrangement sa ilang tanggapan ng pamahalaan noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
Habang nabanggit naman kahapon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na may direktiba na sya sa lahat ng ahensya ng pamahalaan at sa publiko na magpatupad ng mga hakbang sa pagtitipid sa enerhiya.
Samantala, nanawagan si Paranaque Rep. Brian Raymund Yamsuan ng pansamantalang pagpapatupad ng work-from-home setup at online classes upang maibsan ang epekto ng posibleng malaking pagtaas ng presyo ng langis dulot ng tensyon sa Middle East.
Ayon kay Yamsuan, dapat agad magplano ang pamahalaan at pribadong sektor para sa flexible work arrangements, habang inihahanda naman ng mga paaralan ang paglipat sa online classes kung magpapatuloy ang krisis.
Aniya, unang maaapektuhan ang sektor ng transportasyon, na maaaring magdulot ng dagdag-pasanin sa publiko na hirap na sa mataas na presyo ng mga bilihin.
Lumobo ang presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado sa $82.57 kada bariles kasunod ng pangambang maaaring isara ng Iran ang Strait of Hormuz, daanan ng malaking bahagi ng suplay ng langis sa mundo.
Batay naman sa babala ng Department of Energy, maaaring tumaas ng hanggang P10 kada litro ang presyo n










