Dalawang katao ang nasawi habang 49 naman ang nasugatan matapos madiskaril ang isang tram sa sentro ng Milan bago ito bumangga sa isang gusali, ayon sa mga awtoridad.

Batay sa ulat, ang Number 9 tram ay dapat sana’y dumiretso sa kahabaan ng Vittorio Veneto Avenue, subalit bigla itong lumihis sa isang switch track na ginagamit ng ibang linya ng tram.

Makikita sa video ng insidente na inilabas ng Sky TG24 ang mismong sandali ng aksidente.

--Ads--

Sa nasabing video, makikitang halos tumagilid ang tram habang lumiliko bago tuluyang bumangga sa isang gusali matapos itong madiskaril.

Ayon kay Beppe Sala, posibleng pagkakamali ng tao o human error ang naging sanhi ng insidente.

Lumalabas umano na hindi nailipat ng drayber ang riles upang manatiling diretsong tumatakbo ang tram.

Kinumpirma naman ng mga emergency responder na dalawang katao ang nasawi sa aksidente—isang pasahero na nasa loob ng tra