DAGUPAN CITY— Inilagay sa half mast ang mga bandila sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan sa Dagupan City bilang pakikiisa sa pagluluksa sa pagpanaw ng dating Speaker ng House of Representatives na si Jose de Venecia Jr. (JDV).
Ang pagbaba ng bandila sa kalahati ay simbolo ng paggalang at pagkilala sa naging ambag ni De Venecia sa bansa at lalo na sa lalawigan ng Pangasinan. Si JDV, na ilang ulit na naging kinatawan ng ikaapat na distrito ng Pangasinan, ay kinilala bilang isa sa mga pinakamatagal na nagsilbing Speaker ng Kamara sa kasaysayan ng Pilipinas.
Samantala, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan,inilarawan ni Former congressman Hernani Braganza na dating kaalyado nito si JDV na isang taong madaling lapitan, hindi mahirap hanapin at madaling makausap.
Ayon kay Braganza, matagal na niyang kilala si JDV at katunayan na noong first term niyang congressman noong 1995, isa siya sa nagnominate kay JDV para sa kanyang speakership.
Saad pa niya na sa kasalukuyang kalagayan ng pampulitika sa bansa ngayon, mamimiss aniya si Devenecia dahil naniniwala siyang hindi niya nais namaging magulo ang kongreso at hindi mangyayari ang anomalya sa flood control.










