Arestado ng mga tauhan ng Binmaley Municipal Police Station ang isang lalaki na itinuturing na Top 3 Municipal Level Most Wanted Person matapos isilbi ang warrant of arrest laban sa kanya madaling araw ng Pebrero 6, 2026.
Kinilala ang inaresto na may 77 taong gulang, lalaki, may asawa, walang trabaho, at residente ng Binmaley, Pangasinan. Isinagawa ang pag-aresto bandang alas-12:32 ng madaling araw sa Barangay Baybay Polong.
Isinilbi ang warrant of arrest laban sa akusado kaugnay ng kasong Qualified Rape of a Minor na may rekomendasyong walang piyansa.
--Ads--
Sa kasalukuyan, ang akusado ay nasa kustodiya ng Binmaley Municipal Police Station para sa wastong disposisyon at kaukulang proseso ng batas.










