Dagupan City – Nahuli ng Dagupan City Police ang isang babae na may kaso sa illegal recruitment. Ang suspek ay isang Sales Control Analyst na nakatira sa Bonuan Boquig.
Isinagawa ang operasyon ng mga tauhan mula Station 6, City Intelligence Unit, at City Investigation and Detection Management Unit sa Barangay Poblacion Oeste sa pangunguna ni City Director PCOL Arnold P. Solomon.
Ang arestado ay hinarap sa bisa ng warrant para sa Large-Scale Illegal Recruitment alinsunod sa Artikulo 38 ng Labor Code kaugnay ng Artikulo 39(C). Walang bail ang inirekomenda ng korte para sa suspek.
Ayon sa batas, illegal recruitment ang pagkuha o paghikayat sa tao para magtrabaho, lalo na sa ibang lugar o bansa, nang walang legal na permit o hindi sumusunod sa regulasyon ng Department of Labor and Employment.
Ang nasabing kaso ay kabilang sa ganitong uri ng paglabag.
Dinala ang babae sa custodial facility ng Dagupan City Police Office para sa dokumentasyon at legal na proseso.
Patuloy ang imbestigasyon habang isinasagawa ang karampatang legal na hakbang.










