Dagupan City – ‎Nakipag-coordinate ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO ng San Jacinto sa Philippine National Police o PNP ng San Jacinto para sa pagbabahagi at pagsasama ng summary data ng mga insidente sa munisipalidad.

‎Tinalakay sa koordinasyong ito ang pagbuo ng iisang talaan ng datos hinggil sa mga insidente tulad ng vehicular accidents, medical emergencies, at iba pang pangyayaring may kinalaman sa kaligtasan ng publiko.

‎Layunin din ng MDRRMO at PNP na mas maayos na ma-organisa ang impormasyon upang suportahan ang incident analysis, disaster preparedness, response planning, at policy formulation ng lokal na pamahalaan.

‎Ayon sa MDRRMO at PNP San Jacinto, patuloy ang kanilang pagtutulungan sa pag-update at pagsasama ng datos ng mga insidente sa bayan, upang magkaroon ng kumpletong talaan na maaaring gamitin sa mga susunod na ulat at plano.