DAGUPAN CITY- Ipatutupad na sa Barangay Caranglaan ang bagong ordinansa na naglalayong mapabuti ang kalagayan ng barangay.

Bukod dito, mas tututukan pa nila lalo ang iba pang ordinansa na makakatulong sa kapakanan ng kanilang nasasakupan.

Ayon kay Kapitan Gregorio Claveria Jr. na ang ordinansang kanilang ipapatupad ngayon ay ang pagdaragdag ng bagong singil sa buwis.

--Ads--

Dahil sa pag-aprubahan ng Sangguniang Panlungsod, sa pamumuno ni Vice Mayor Dean Brian Kua ay magtataas na sila ng buwis dahil marami na umanong establisyemento ang pinapatayo sa kanilang nasasakupan dahil malapit ito sa National Highway dahil hindi pa aniya nadagdagan ang buwis simula pa noong 2013.

Malaki aniya ang magiging epekto ng pagdagdag ng buwis dahil magkakaroon ng mas maraming proyektong magagawa.

Bukod dito mas tututukan naman nila ang iba pang ordinansa gaya ng tungkol sa aso mo itali mo.

Kailangang itali ang mga aso at linisin ng mga may-ari ang kanilang mga dumi para mapanatili ang kalinisan sa barangay at iwas sa disgrasya.

Habang ang ordinansa naman sa basura na naaayon sa proyekto ni Mayor Belen Fernandez na segregation ng basura sa buong Dagupan para masolusyunan ang problema sa dumpsite na malapit sa residential area at dalampasigan.

Sa kanilang barangay ay magsisimula na ang information dissemination tungkol sa mahigpit na pagpapatupad ng mga ordinansa ngayong taon para maipatupad ito nang maayos.

Dahil dito, hiniling ni Kapitan Claveria ang tulong ng kanyang mga kabarangay para mapaganda ang kanilang barangay at hinimok ang lahat na magtulungan para sa kalinisan, kapayapaan at kalusugan.

Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng political will para makapag-iwan ng magandang pamana para sa susunod na henerasyon at hinimok ang lahat na makiisa sa magagandang adhikain ng siyudad at barangay.