Dagupan City – Sugatan ang dalawang driver ng motorsiklo kaya isinugod sa ospital matapos magbanggaan sa bayan ng San Quintin.

Batay sa report ng San Quintin Police Station, nangyari ang insidente pasado alas-2:05 ng hapon.

Kinilala ang mga driver na isang 52 taong gulang na lalaki, may asawa, magsasaka, at residente ng San Quintin, na nagmamaneho ng isang pulang Motorsiklo at isang 18 taong gulang na lalaki, binata, helper, na nagmamaneho ng isang asul na motorsiklo kasama ang kanyang backrider na si 20 taong gulang na dalaga.

--Ads--

Ayon sa mga saksi, binabagtas pulang motor ang direksyong silangan habang ang asul na motor naman ay patungo sa kanluran.

Pagdating sa lugar ng insidente, lumiko ang pulang motor pakaliwa (papuntang Rizal Street) at nabangga siya ng paparating na asul na motor.

Dahil sa insidente, parehong nagtamo ng mga sugat ang dalawang driver habang hindi naman nasaktan ang backrider asul na motor

Agad na dinala ang lahat ng mga sangkot sa ospital kung saan pinayuhan ang dalawang driver na manatili sa ospital para sa karagdagang medikal na atensyon.

Parehong nagtamo ng mga sira ang mga motorsiklo kaya dinala ang mga ito sa San Quintin MPS para sa kaukulang disposisyon.